Lumagapak sa riles ng MRT, Bebot tumalon buhat sa footbridge, kritikal

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kon­dis­yon ngayon ang isang babae makaraang tuma­lon buhat sa footbridge ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at bumagsak sa riles ng Metro Rail Tran­sit-Line 2 malapit sa Ma­gallanes station sa lung­sod ng Pasay kamaka­lawa ng gabi.

Unang isinugod sa Pasay City General Hos­pital bago inilipat sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Liza Alma­zan, 37, walang trabaho at naninirahan sa Malibay Street, Pasay City.

Sa ulat ni PO3 Joel Caronan, ng Pasay Re­gional Mobile Group na nakatalaga sa MRT, na­ganap ang insidente da­kong alas-7:30 kamaka­lawa ng gabi sa MMDA footbridge sa EDSA sa pagitan ng Magallanes at Taft Ave. Station ng MRT.

Ayon sa mga naka­saksi, nakita nilang balisa at pabalik-balik ang bik­tima sa paglalakad hang­gang sa magulat na lamang sila nang biglang umakyat ito sa harang ng footbridge at biglang tumalon.

Bumagsak ang bik­tima sa “northbound” na riles ng MRT kung saan mabilis namang rumes­ponde ang mga kagawad ng Police Regional Mo­bile Group at Lifeline Me­dical Assistance Team na nagsugod sa biktima sa pagamutan.

Nabatid na hindi pa makausap ang biktima na nagtamo ng malaking pinsala sa kanyang liku­ran at puwitan dulot ng pagkakabagsak. Malaki ang hinala ng pulisya na tangka talaga ng biktima na magpakamatay ngunit palaisipan pa rin ang motibo nito.

Show comments