MANILA, Philippines - Isang 54-anyos na lolo ang arestado matapos ireklamo ng kanyang mga naging biktima sa pekeng pabahay kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Nahaharap sa kasong large-scale estafa si Virgilio Binen, ng Polaris St., Fairview , Quezon City.
Nabatid na nagtungo sa Caloocan City Police si Robelyn Bautista, 30, nakatira sa Deparo, Caloocan City at sinasabing humihingi sa kanya ang suspek ng P10,000 kapalit ng lupa’t bahay ng National Housing Authority sa Bagumbong, Quezon City.
Dahil dito, nagsagawa ng entrapment operation ang mga kagawad ng Caloocan City Police sa Robinson Mall sa Fairview, Quezon City alas-6 ng gabi, kung saan kaagad na dinakip ang suspek matapos abutin ang P10,000 ni Bautista.
Sa presinto, nagsidatingan ang mahigit na 300 na nabiktima nito kung saan sinabi ni Benin na isang Jessie Zaragosa, empleyado ng NHA niya ibinibigay ang perang nakuha niya. (Lordeth Bonilla)