^

Metro

54-anyos tiklo sa pekeng pabahay

-

MANILA, Philippines - Isang 54-anyos na lolo ang arestado matapos ireklamo ng kanyang mga naging biktima sa pekeng pabahay kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Nahaharap sa kasong large-scale estafa si Virgilio Binen, ng Polaris St., Fair­view , Quezon City.

Nabatid na nagtungo sa Caloocan City Police si Robelyn Bautista, 30, na­ka­tira sa Deparo, Calo­ocan City at sinasabing hu­mi­hingi sa kanya ang sus­pek ng P10,000 kapalit ng lupa’t bahay ng National Housing Authority sa Ba­gumbong, Quezon City.

Dahil dito, nagsagawa ng entrapment operation ang mga kagawad ng Ca­loocan City Police sa Ro­binson Mall sa Fairview, Quezon City alas-6 ng gabi, kung saan kaagad na dinakip ang suspek ma­tapos abutin ang P10,000 ni Bautista.

Sa presinto, nagsidati­ngan ang mahigit na 300 na nabiktima nito kung saan sinabi ni Benin na isang Jessie Zaragosa, em­­pleyado ng NHA niya ibi­­nibigay ang perang na­kuha niya. (Lordeth Bonilla)

CALOOCAN CITY POLICE

CITY

CITY POLICE

JESSIE ZARAGOSA

LORDETH BONILLA

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

POLARIS ST.

QUEZON CITY

ROBELYN BAUTISTA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with