2 timbog sa 10 kilo ng marijuana

MANILA, Philippines - Arestado ang dala­wang hinihinalang drug pushers makaraang ma­kuhanan ang mga ito ng may 10 kilo ng marijuana sa lungsod ng Quezon kamakalawa.

Kinilala ang mga na­dakip na suspek na sina Inocencio Hung­gayo,18; at Jose Ireneo, 30; kapwa re­sidente ng Vanguard St., Camarin Caloocan City.

Ayon sa pulisya, na­dakip ang mga suspek ma­ka­raang isang impor­mante ang tumawag sa pulisya na may transak­syon ng droga na maga­ganap sa Hotel Moko sa Brgy. Sta. Monica, No­valiches.

Agad namang ini­handa ang operation pasado alas- 8 ng gabi sa nasabing lugar kung saan naaktuhang nag­be­benta ang mga sus­pek ng bloke-blokeng mari­juana sa naturang lugar.

May kabuuang hala­gang P40,000 ang na­kumpiska sa nasabing mga suspek.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ang naturang dro­ga ay mula pa sa Benguet province na ibi­nibenta naman ng sus­pek sa na­sabing lugar sa presyong P3,000 kada kilo. (Ricky Tulipat)

Show comments