Karnaper todas sa biniktima

MANILA, Philippines - Isa sa tatlong kilabot na kar­naper ang nabaril at napatay ng kanilang biniktimang bank su­per­visor sa lungsod ng Quezon kahapon ng ma­daling-araw.

Samantala, sugatan din ang nakabaril na bikti­mang si Manuel Ledesma, 30, bank supervisor, ng Lupang Pangako, Brgy. Payatas at ginagamot ngayon sa East Avenue Medical Center, matapos buweltahan ng isa sa mga kasamahan ng nasawi at pagbabarilin.

Isinalarawan naman ng aw­to­ridad ang na­patay na karna­per na nasa edad na 25, 4’5’’ ang taas, katamtaman ang pa­nga­ngatawan, kulot ang buhok, na naka-pajama at sando at may tattoo sa batok na “Jouree”.

Patuloy naman ang follow-up operation ng pulisya laban sa dalawang kasabwat ng na­sawing suspek na tumangay sa motorsiklo ng biktima na XRM 125 (ZK 5313) na siyang gina­mit ng mga ito sa kanilang pagtakas.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente sa may Block 7 Ext., Phase 4, Brgy. Payatas sa lungsod. Binabaybay ng biktima ang nasabing lugar nang hara­ngin ito ng mga suspek at tutu­kan ng baril. Sapilitang pina­baba ng mga suspek sa kan­yang motorsiklo si Ledesma para tangayin ito, ngunit nang makasakay ang mga una ay naka­kuha ng tiyempo ang huli at agad na dinakma nito ang hawak na kalibre .45 baril ng isa sa mga una. Dahil dito, nag­pambuno ang dalawa hang­gang sa magawang makalabit ni Ledesma ang baril at mapa­putok sa suspek.

Nang bumulagta ang nabaril na suspek, agad na nagtatakbo papalayo si Ledesma ngunit hi­na­­bol ito ng isa sa mga kasama­han ng una at nang maabutan ay saka pinagbabaril. Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa balikat at batok si Ledesma.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na nagsi­pagtakas ang mga suspek sakay ng motor­siklo ni Ledesma. (Ricky Tulipat)

Show comments