^

Metro

Bigong holdap sa mall: 4 sugatan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang armored van ang tinangkang tangayin ng limang ar­madong kalalakihan ma­tapos na pasukin ang isang mall kung saan nakahimpil dito ang dala­wang malaking banko sa lung­sod Quezon, kahapon ng hapon.

Sa inisyal na ulat ng Que­zon City Police, apat na sibilyan ang sugatan makaraang ma­damay sa pagpapaputok ng mga sus­pek habang tinatang­kang tangayin ang armored van na matatagpuan sa basement ng Walter Mart shopping mall sa kahabaan ng Edsa Muñoz sa lungsod.

Tinukoy ang tatlo sa mga ito na sina Michelle Almansa, cus­tomer; Jason Arienda, bank teller ng BPI; na nagtamo ng bala sa kanilang katawan; at isang John Castre, 18, bagger sa super­market dito na nag­tamo ng shrapnel sa bandang kili-kili; habang ang isa pang biktima ay inaalam pa ng awtoridad. Sina­sabing pinasok ng mga arma­dong suspek ang nasa­bing gu­sali upang biktima­hin ang isang armored van ng isang banko na nakahimpil sa parking area nito ganap na alas-2:30 ng hapon.

Sa naturang basement din nakahimpil ang tanggapan ng Bank of the Philippine Islands (BPI) at Metro Bank na pinani­niwalaang naging target ng mga suspek. Ayon sa mga emple­yado, bigla na lamang silang na­karinig ng putukan at malakas na pag­sabog mula dito, hang­gang sa marinig na sunud-sunod na putukan. Isang Expe­dition ang nakitang humaharot na lumabas sa nasabing mall.

Ilang sandali, dumating ang mga rumespondeng tropa bu­hat sa Special Weapon and Tac­tics (SWAT) at Quezon City Police-District Investigation and Detective Unit (QCP-CIDU) kung saan nagsagawa ng pag­lusob na tumagal ng halos isang oras hanggang sa maka­labas na ang mga sugatang biktima.

Nang mapasok, tatlo sa mga hinihinalang suspek ang ina­resto kung saan dalawa sa mga ito ay nakauniporme ng security guard at isang sibilyan. Nagka­basag-basag ang mga salamin sa mga establisimento dulot ng nasabing putukan.

Samantala, narekober na ng awtoridad ang sinasabing Ex­pe­dition (WND-331) na ginamit na get-away car ng mga suspek sa may Narig St., Brgy. Ve­terans Village, Project 7 sa lungsod matapos na iwan ito.

Ayon sa mga residente sa lugar, tatlong kalalakihan uma­no ang bumaba sa natur­ang sa­sakyan na pawang mga naka­suot ng itim na damit, armado ng mahahabang baril at may bitbit na limang puting bag na hini­hinalang may lamang pera, bago sumakay sa isa pang sasakyan na dalawang oras na umanong naghihintay dito.

Sa ngayon patuloy ang im­bestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente kung alin sa mga bangko ang nabiktima ng mga suspek.

AYON

BANK OF THE PHILIPPINE ISLANDS

CITY POLICE

ISANG

ISANG EXPE

JASON ARIENDA

JOHN CASTRE

METRO BANK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with