Adultery isinampa vs misis at kabit

MANILA, Philippines - Isang negosyanteng Tsinoy na si Wilson Co Gue ng Quezon City ang nagsampa kamakailan sa Pasig City Prosecutors Office ng kasong adultery laban sa kanyang asawa na si Eileen Cagalingan at kalaguyo nitong physical therapist na si Roland Codes maka­ raang mahuli niya ang dalawa na magkasama sa isang apartment sa Pasig.

Sinasabi ni Gue sa kanyang affidavit na una niyang natuklasan ang pangangaliwa ni Cagalingan nang may magsumbong sa kanya na may lihim na relasyon ito kay Codes na trainer ng babae sa isang gym sa Mandaluyong City.

Bukod dito, umupa ng isang apartment sa Pasig ang magkalaguyo para doon maisagawa ang kanilang lihim na relasyon.

Sa tulong ng National Bureau of Investigation, natik­tikan at nahuli ni Gue sina Cagalingan at Codes habang naglalambingan ang mga ito sa isang kama sa silid ng mga ito sa naturang apartment noong Setyembre 4.

Sinabi pa ni Gue na inamin ni Codes na apat na buwan na itong may relasyon sa kanyang asawa. (Danilo Garcia)

Show comments