^

Metro

Hepe shinotgun sa mukha ng sekyu

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Napatay ang guard official ng PAGASA ma­karaang barilin ng shot­gun ng isa niyang tauhan kahapon ng hatinggabi sa Quezon City.

Kinilala ni P/Supt. Gerardo Ratuita, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Renato Almine, 43, assistant de­tachment commander sa binabantayang tang­ga­pan na Data Infor­ma­tion Center ng   PAGASA sa BIR Road, Brgy. Piña­han, Quezon City.

Si Almine ay namatay noon din sa lugar ng pi­nangyarihan ng krimen makaraang sumabog ang bungo nito nang paputukan ng shotgun sa ulo.

Agad namang na­aresto ang suspek na si Reymond Monreal, 38, binata, ng Lifeguard Ar­cangel Security Agency at nakatira sa Everlasting St.,Botanical, Quezon City.

Base sa report, da­kong alas-11:30 ng gabi kamakalawa nang ma­ganap ang insidente sa lobby ng binabantayan nilang DIC sa gusali ng PAGASA sa nasabing barangay.

Nagsagawa umano ng routinary inspection si Almine at nadatnan niya si Monreal na amoy alak habang naka-duty sa lobby ng naturang esta­bli­simento.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon na matapos pag­sabihan ng biktima ang suspek ay ito pa ang na­galit kung saan agad na dinampot ang shotgun nito at ipinutok nang malapitan sa mukha ni Almine na agad na bu­mulagta.

ALMINE

CRIMINAL INVESTIGATION

EVERLASTING ST.

GERARDO RATUITA

LIFEGUARD AR

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RENATO ALMINE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with