^

Metro

Abogado ng 'Big 3', iko-contempt

-

MANILA, Philippines - Matapos na mag-walk out sa korte, sinabi ni Manila Re­gional Trial Court Judge Silvino Pampilo na posibleng i-con­tempt ang tatlong abogado ng Pilipinas Shell, Chevron at Petron habang dinidinig ang isyu ng manipulasyon sa presyo ng langis.

Ayon kay Pampilo, gumawa ng gulo sa loob ng korte ang tatlong abogado kung kaya’t dapat lamang bigyan ng karam­patang sanctions ang mga ito. Ang mga ito ay kinabibilangan nina Atty. Erwin Herrera, Atty. Janet Regalado at Atty. Gener Asuncion. Subalit ayon naman kay Atty. Herrera, kinuku­westiyon nila ang hurisdiksyon ng korte para imbestigahan ang petisyon dahil ang Department of Energy lang umano ang dapat na duminig sa kaso.

Idinagdag pa ni Atty. Herrera na sinabihan na nila si Pampilo na may pending petition na sila sa Korte Suprema na kumo­kontra sa awtoridad ni Pampilo na dinggin ang petisyon ng Social Justice Society (SJS). Hindi umano ang sala ni Judge Pam­pilo ang proper forum para magbigay ng kanyang testi­monya ang SJS sa pangunguna ni Consumer Price Watch Raul Concepcion. Ayon naman kay Pampilo, hindi naman siya mag-i-inhibit sa kaso kung saan tiniyak din nito na tuloy pa rin ang pagdinig sa kaso.

Una rito, naging mainit ang palitan ng argumento sa pagitan ng mga abogado ng kompanyang Pilipinas Shell, Chevron at Petron Corporation at panig ng prosecution, matapos namang akusahan ng mga private lawyers si Judge Pampilo ng umano’y hindi patas. (Doris Franche)

AYON

CONSUMER PRICE WATCH RAUL CONCEPCION

DEPARTMENT OF ENERGY

DORIS FRANCHE

ERWIN HERRERA

GENER ASUNCION

HERRERA

PAMPILO

PILIPINAS SHELL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with