^

Metro

2 miyembro ng sindikato ng pekeng pera, timbog

-

MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon ang pamahalaang lungsod ng Taguig at Taguig police sa posibleng pagkalat na sa lugar ng mga pekeng pera matapos na dalawang miyembro ng isang sin­dikato ang madakip sa isang entrapment operation.

Nakilala ang mga naaresto na sina Fernandez Turogonan, 31, ng Casoy St., Brgy. Western Bicutan; at Jhon Balayman, 20, ng Wild Car, Brgy. Ususan, Taguig City.

Naaresto ang mga suspek dakong alas-6 ng gabi nitong naka­raang Miyerkules ng pinagsanib na puwersa ng Taguig Police Intel­ligence, Anti-Carnapping Section at Anti-Illegal Drugs-Special Ope­rations Task Group (SAID-SOTG) sa tapat ng isang sanglaan sa Maharlika Road, Brgy. Upper Bicutan.

Nabatid na isang linggong paniniktik ang isinagawa ng pulisya bago inilunsad ang operasyon makaraang makum­pirma ang iligal na aktibidad ng pagbebenta ng pekeng P100, P200, P500 at P1000 bills. 

Nababahala naman si Mayor Freddie Tinga sa posibilidad na kalat na sa lungsod ang naturang mga pekeng pera kaya nagba­bala ito sa publiko na suriing mabuti ang ibinabayad sa kanilang mga pera. Maaari umanong tumawag sa kanilang “emergency hotline 1623” ang sinumang mabibiktima at maka­pagbibigay ng impor­masyon para sa paglansag sa naturang sindikato. (Danilo Garcia)

ANTI-CARNAPPING SECTION

BRGY

CASOY ST.

DANILO GARCIA

DRUGS-SPECIAL OPE

FERNANDEZ TUROGONAN

JHON BALAYMAN

MAHARLIKA ROAD

MAYOR FREDDIE TINGA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with