Maid patay, amo sugatan sa 'Akyat-bahay'

MANILA, Philippines - Patay ang isang 53-anyos na katulong habang sugatan naman ang anak ng kanyang amo, makaraang looban ng dalawang hindi nakikilalang lalaki na nagpanggap na mga delivery boy, sa Taft Avenue, Malate, Manila kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Sabina Estabillo, stay-in housemaid, ng #2202 Taft Avenue, Malate.

Sugatan naman ang anak ng amo na si Allister Chua, 20, es­tudyante.

Sa inisyal na imbestigas­yon, dakong alas-2 ng hapon nang makatanggap ng tawag sa cellphone ang amang si Mr. Chua mula sa anak na si Allister at garalgal umano ang boses habang ikinu­kuwento ang dalawang la­laking nan­loob sa kanilang bahay at sina­sabing sugatan din siya.

Agad na umuwi si Mr. Chua at nadatnan nito ang duguang anak na wala nang malay at ang kanilang ka­tulong na naliligo sa sariling dugo.

Base sa report, nakarinig ng door bell si Allister habang siya ay nasa ika-4 na palapag ng bahay.

Nang bumaba ay dinat­nan niyang nakikipam­buno sa dalawang lalaking suspek ang katulong kaya niya si­naklolohan.

Kapwa sila pi­nagsasak­sak at bu­mulagta at nang inakalang patay na sila ay umalis na ang mga suspek.

Patuloy pa ang isinasa­gawang imbestigasyon.

Show comments