^

Metro

Bangkay ng babae, lumutang sa ilog Pasig

-

MANILA, Philippines - Nakipag-ugnayan ang Manila Police District (MPD) sa Quezon City Police District (QCPD) upang matiyak kung ang babaeng nakuhang lumulutang sa Pasig River, sa Intramuros, Maynila, ay ang 3-buwang buntis na tinangay ng agos sa bahagi ng lungsod Quezon, kamakalawa ng umaga.

Sa paglalarawan ng MPD-Homicide Section, nasa pagitan lamang ng 20-25 ang bangkay, may taas na 5’1 talampakan, nakasuot ng pulang sando at orange na shorts at nakasuot ng singsing na copper sa kaliwang daliri.

Ayon sa ulat ng MPD, dakong alas-6:30 ng umaga nang matag­puan ang bangkay na nakalutang sa tubig ng Pasig River sa harapan ng Fort Santiago sa Intramuros, Maynila.

Napaulat kahapon ang pagkakatangay ng agos sa isang pamilya na nakatira sa isang kubo sa gilid ng creek nang biglang bumigay umano ang bahay at tinangay ng agos.

Sinagip ng mga kapitbahay ang mag-iina subalit dahil umano sa bigat ng ina ay nabi­tiwan ito dahil hindi na umano makayanan ang current ng tubig.

Ligtas ang ama na si Lito, mga anak na sina Princess Ann, 4; at Angelito, 3 habang si Jonalyn Bayno umano na natangay ng agos ay nagdadalang-tao ng 3 buwan. Habang isinusulat ang balitang ito ay tiniyak ng MPD na may magtu­tungong kaanak ng pamilya Bayno upang kilalanin ang bang­kay matapos ang pakikipag-uganayan sa QCPD. (Ludy Bermudo)

FORT SANTIAGO

HOMICIDE SECTION

INTRAMUROS

JONALYN BAYNO

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

PASIG RIVER

PRINCESS ANN

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with