^

Metro

Buntis nilamon ng agos sa creek

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang tatlong-bu­wang buntis na ginang ang pinaghahanap ma­tapos na tangayin ng malakas na agos ng tubig nang gumuho ang kanilang tahanan na nakatirik sa gilid ng creek at mahulog ang mga ito kasama ang dalawang anak sa ka­sagsagan ng pagbu­hos ng ulan sa lungsod Que­zon kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat ng Department of Public Order and Safety (DPOS), kinilala ang bik­tima na si Jonalyn Bayno, 21, residente sa Sitio Pajo, Brgy. Baesa sa lungsod.

Ayon kay Lea Du­ran ng DPOS, alas-10 ng umaga nang ma­ganap ang insidente sa may pa­gitan ng Sitio Men­dez, Brgy. Baesa at Sitio Militar sa na­sabing barangay sa ka­­sagsa­gan ng ulan. Sina­sabing nasa loob ng kanilang bahay ang mag-iina dahil sa wa­lang tigil na pag­buhos ng ulan nang gu­muho ang tahanan ng mga ito at sabay-sabay na mahulog sa creek.

Nabatid na ang ba­hay ng biktima ay na­ka­tirik lamang sa gilid ng creek kung kaya nang gumuho ay mis­mong sa tubig bumag­sak ang mga ito.

Dahil sa lakas ng agos, tuluyang nila­mon ang pamilya, ngu­nit na­ gawa namang ma­isal­ba ng kapit­bahay ang dalawang menor-de-edad, habang ang ina ng mga ito ay tuluyang naglaho sa ilog.

“Nakita ko pong lu­mutang ang kamay, ta­pos iyong paa ng bata, kaya nakuha na­min, pero ung nanay, mas­ya­dong ma­bigat, hindi na namin na­kaya,” sabi ng mga residente.

AYON

BAESA

BRGY

DEPARTMENT OF PUBLIC ORDER AND SAFETY

JONALYN BAYNO

LEA DU

SHY

SITIO MEN

SITIO MILITAR

SITIO PAJO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with