^

Metro

Bisor pinatay ng tauhan dahil sa GRO

-

MANILA, Philippines - Basag ang bungo ng isang superbisor makaraang pukpu­kin ng martilyo sa ulo ng kan­yang tauhan dahil sa selos sa isang guest relation officer na nakilala nila sa isang beer­house sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Nakilala ang biktima na si Arnel Crisostomo, binata, stay-in sa may pinaglilingku­rang furniture shop na Fair­view sa lunsod.

Dala ng konsensya, kusa namang sumuko sa kanyang among si Miriam Pereira ang suspek na si Abe Gutan, 32, helper sa nasabing pagawaan.

Sa imbestigasyon ni PO2 Tumanday ng Criminal Inves­tigation and Detective Unit ng Quezon City Police, naganap ang insidente sa may loob ng pinaglilingkuran nilang fur­niture pasado ala-1 ng ma­daling-araw.

Ayon kay Tumanday, uma­min ang suspek sa kanyang among si Pereira na pinukpok niya sa ulo ang biktima dahil nagselos daw ito kaugnay sa isang GRO na kanilang na­kilala sa isang beerhouse.

Bago nito, nagkaroon muna ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspek ka­ugnay dito kung saan nauwi ito sa pambubogbog ng huli sa una hanggang sa dumam­pot ito ng martilyo at bam­buhin sa ulo.

Ayon kay Pereira, nanood siya ng telebisyon nang la­pitan siya ng suspek at sabi­hing nakatalo niya ang biktima.

Kasabay nito inamin ng sus­pek kay Pereira ang pang­yayari sa pagsasabing “Ate nag-away kami ni Arnel, pa­patayin niya ako, kaya inuna­han ko siya at pinukpok ko siya ng martilyo.”

Nang mabanggit ito ng suspek ay agad na kinabahan si Pereira at mabilis na pinun­tahan ang lugar kung saan na­tuklasan ang biktima na naka­bulagta at wala nang buhay.

Ang suspek ay nakapiit nga­yon sa tanggapan ng QCPD habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ABE GUTAN

ARNEL CRISOSTOMO

AYON

CRIMINAL INVES

DETECTIVE UNIT

MIRIAM PEREIRA

QUEZON CITY POLICE

RICKY TULIPAT

SHY

TUMANDAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with