^

Metro

Presyo ng LPG itinaas

-

MANILA, Philippines - Muling itinaas ng Pilipinas Shell Petroleum ang presyo ng kanilang liquefied petroleum gas (LPG) kahapon nang P1.45 kada kilo.

Sinabi naman ni Petron Corp. spokes­person Virginia Ruivivar na wala pa silang impormasyon na susunod sila sa Shell.

Matatandaan na una nang nagtaas ng P2.25 kada kilo ng LPG ang Shell at Petron noong nakaraang linggo upang salaminin umano ang presyo nito sa internasyunal na merkado.

Samantala, tiniyak naman ng LPG Mar­keters Association na hindi na sila magtataas ng kanilang presyo ng LPG ngayong Set­yembre matapos na una nang magpatupad ng P4 kada kilo pagtataas nitong umpisa ng buwan.

Kasabay nito, kapwa ibinaba ng Pilipinas Shell at Petron Corporation ang presyo ng kanilang mga produktong petrolyo kaninang madaling-araw.

Sa ipinadalang mensahe ni Ruivivar, tinap­yasan nila ng P1 kada litro ang halaga ng kanilang “Blaze, XCS, Xtra Unleaded” na gasolina, DieselMax at kerosene.

Sinabi rin ni Shell vice-president for com­munications Roberto Kanapi ang pagbababa nila ng P1 kada litro sa halaga ng Diesel, Super Unleaded E10, Unleaded, Premium at V-Power, at kerosene.

Kapwa binawasan rin ng P.50 sentimos ng Petron at Shell ang halaga ng kanilang regular na gasolina na magiging epektibo pagsapit ng alas-12:01 ng madaling-araw ngayong Martes. (Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

PETRON

PETRON CORP

PETRON CORPORATION

PILIPINAS SHELL

PILIPINAS SHELL PETROLEUM

ROBERTO KANAPI

SINABI

SUPER UNLEADED

VIRGINIA RUIVIVAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with