^

Metro

Replicating machine nabawi ng PASG

-

MANILA, Philippines - Nabawi ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) ang pinaghiwa-hiwalay na replicating machine na posibleng ito ang nawawalang P60-milyong makina o ebidensiya.

Baklas na ang replicating machine nang matag­puan ng PASG-NBI Special Operations Group sa pangunguna ni National Bureau of Investigation De­puty Director Atty. Ed­mund T. Arugay sa isang warehouse sa Industrial Subdivision, Brgy. Dalan­danan, Valenzuela City kamakalawa.

Ayon kay Atty. Arugay, ilang araw na minan­ma­nan ang naturang ware­house kasunod ng isang tip mula sa isang informant hang­gang sinalakay sa bisa ng isang mission order mula kay PASG Head Under­secretary Antonio “Bebot” Villar, Jr.

Naimbestigahan ang tatlong mekaniko na nag­sabing inupahan sila ng isang nagngangalang “Gener” na magkumpuni ng isang forklift na natag­puang katabi ng replicating machine at ginamit na pambuhat nuon.

“Titiyakin pa namin kung ang replicating machine na nabawi ay siya ring makina na nawala bagamat pinapalagay naming ganuon na nga,” pahayag ni Usec. Villar.

Ang misteryosong pag­kawala ng naturang replicating machine bilang ebi­densiya ay naging bunsod ng usapin at hidwaan sa pagitan ng PASG at OMB. (Butch Quejada)

ARUGAY

BUTCH QUEJADA

DIRECTOR ATTY

HEAD UNDER

INDUSTRIAL SUBDIVISION

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION DE

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP

SHY

SPECIAL OPERATIONS GROUP

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with