1 patay, 3 tiklo sa holdap

MANILA, Philippines - Isang hininalang 21 anyos na holdaper na si Edwin Sotero ang napatay sa pakikipagbarilan sa mga pulis sa Barangay Maypajo, Caloocan City makaraang holdapin niya at tangayan ang motorsiklo ng Bombay na si Sarabjit Singh kamakalawa ng hapon.

Kasunod namang naaresto rin ng pulisya ang mga hinihinalang holdaper na sina Wenceslao Halili, 19; Rodrigo Pinero, 21, kapwa ng Tondo, Maynila at Jun Balais, 19-anyos, ng Reparto street, Caloocan City.

Unang hinoldap ng mga suspek ang 23-anyos na si Marisol Taguinod sa ibabaw ng footbridge sa EDSA malapit sa Monumento kung saan natangay ang cellphone at pera nito. (Danilo Garcia)

Show comments