MANILA, Philippines - May plano sa Quezon City na palitan ang pangalang Central Avenue sa Barangay Tandang Sora Quezon City ng Eraño Manalo Avenue bilang pagkilala ng lokal na pamahalaan sa namayapang punong ministro ng Iglesia ni Cristo.
Ang Central Avenue sa Quezon City ang isa sa mga junctions sa kahabaan ng Commonwealth Avenue na may halagang papel bilang host ng Central Temple ng Iglesia ni Cristo kung saan nakatira at may tanggapan ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng INC si Kapatid na Eraño “Ka Erdy” Manalo.
Sa panukalang ordinansang ito ni QC Councilor Ariel Inton Jr. mabibigyang pagpapahalaga ang malaking kontribusyon ni Ka Erdy para mapalakas ang moral fiber ng komunidad.
Kinokonsidera ng QC government si Ka Erdy bilang hindi matatawarang katuwang sa lunsod sa pagpapaunlad at sa propagation ng spiritual renewal ng mga tao na kailangan ng moral at spiritual guidance.
Si Ka Erdy ay naging religious leader ng Iglesia ni Cristo ng yumao ang kanyang ama at INC founder na si Ka Felix Manalo noong 1963. (Angie dela Cruz)