^

Metro

Central Avenue sa Quezon City gagawing Eraño Manalo Avenue

-

MANILA, Philippines - May plano sa Quezon City na palitan ang pangalang Central Avenue sa Barangay Tan­dang Sora Quezon City ng Eraño Manalo Avenue bilang pagkilala ng lokal na pamaha­laan sa namayapang punong ministro ng Iglesia ni Cristo.

Ang Central Avenue sa Quezon City ang isa sa mga junctions sa kahabaan ng Com­mon­wealth Avenue na may halagang papel bilang host ng Central Temple ng Iglesia ni Cristo kung saan nakatira at may tanggapan ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng INC si Kapatid na Eraño “Ka Erdy” Manalo.    

Sa panukalang ordinansang ito ni QC Coun­­­cilor Ariel Inton Jr. mabibigyang pagpa­pa­halaga ang malaking kontribusyon ni Ka Erdy para mapalakas ang moral fiber ng komunidad.

Kinokonsidera ng QC government si Ka Erdy bilang hindi matatawarang katuwang sa   lunsod sa pagpapaunlad at sa propagation ng spiritual renewal ng mga tao na kailangan ng moral at spiritual guidance.

Si Ka Erdy ay naging religious leader ng Iglesia ni Cristo ng yumao ang kanyang ama at INC founder na si Ka Felix Manalo noong 1963. (Angie dela Cruz)

ANG CENTRAL AVENUE

ARIEL INTON JR.

BARANGAY TAN

CENTRAL AVENUE

CENTRAL TEMPLE

CRISTO

KA ERDY

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with