MANILA, Philippines - Ikinasa na ng Manila Police District (MPD) ang seguridad sa gaganaping Bar examinations ngayong linggo at Alay Lakad sa Kabataan. Sinabi ni MPD Chief Supt. Rodolfo Magtibay, nakapag talaga na sila ng sapat na bilang ng mga police personnel para sa dalawang okasyon.
Kabilang sa mga siniguro nilang seguridad ay ang mga lalahok at organizers ng Alay Lakad sa Quirino Grandstand sa Luneta Park, sa Dela Salle University at sa kahabaan ng Taft Avenue kung saan gagawin ang bar examination simula ngayon hanggang sa huling linggo ng Setyembre.
Nilinaw naman ni Magtibay na bukod sa pagpapatrulya ay nagpakalat na rin siya ng mobile crews sa nasabing mga lugar.
Dahil dito kaya’t magpapalabas na rin ng traffic advisory ang Manila Traffic District Enforcement Unit (MTDEU) para sa mga nabanggit na okasyon. (Gemma Amargo Garcia)