^

Metro

Burol ni 'Ka Erdy' dinadagsa pa rin

-

MANILA, Philippines - Walang tigil ang pagdagsa ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo (INC) sa Central Temple sa Diliman, Quezon City para masilayan sa huling pagkakataon ang Tagapa­mahalang Pangkalahatan si Kapatid na Eraño “Ka Erdy” Manalo.

Hindi napigil ang kapatiran sa Iglesia sa kabila ng pag­buhos ng ulan ay nagtiis ang mga ito sa mahabang pila makapasok lamang sa loob at doon masilayan ang burol ni Ka Erdy.

Maging ang mga bata, matatanda at may kapan­sanan ay makikitang ma­tiyagang naghihintay sa ka­nilang pagpasok sa loob.

Sa kabila nito, kapansin-pansin pa rin ang disiplinang umiiral sa mga magkakapatid at damang-dama ang ka­ayusan sa burol at labis nilang pagmamahal kay Ka Erdy.

Bukas ihahatid sa kan­yang huling hantungan si Ka Erdy sa INC Compound na dito inaasahan lalo ang pag­dagsa ng mga tao.

Idineklara ng Malacañang ang araw ng Lunes Setyem­bre 7 bilang non-working holi­day kasabay nang kautu­san na ilagay sa half mast ang mga watawat bilang pagpu­pugay sa yumaong INC leader. (Angie dela Cruz)

ANGIE

BUKAS

CENTRAL TEMPLE

CRUZ

DILIMAN

IGLESIA NI CRISTO

KA ERDY

LUNES SETYEM

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with