^

Metro

Hapones pinaholdap ng ex

-

MANILA, Philippines - Isang Hapones ang ipinaholdap ng kanyang dating nobya sa mga hindi nakikilalang suspect kamakalawa sa Quezon City.

Ang biktima na nagtamo rin ng saksak sa katawan ay nakilalang si Hiroshi Iwata, 45, may-asawa, mechanic sales­man at pansamantalang naninirahan sa Manila Diamond Hotel.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang sinasabing dating nobya ng dayuhan na nakilala lamang sa pangalang Mica at tatlong kasabwat nito na nagplano at nagsagawa ng pangho­holdap sa una.

Base sa ulat ni PO2 Joy Marcelo ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang krimen bandang alas-8 ng gabi sa tapat ng Pennacle Distributors, Inc. na matatagpuan sa G. Araneta Avenue, Brgy. Doña Imelda, ng naturang lungsod.

Nauna rito, kasama ng biktima ang kanyang kaibigan na si Yui Kai at sinundo nila si Mica at pumunta sila sa isang KTV bar sakay ng isang taxi cab pero napansin ng dalawang Hapones ang abalang pagti-text ng suspek.

Pagsapit sa nasabing lugar, pinahinto ni Mica ang taxi at nag-alibi na lilipat na lamang siya ng ibang taxi. Noong panahong iyon, habang naghihintay ng masasakyan, dumating ang tatlo pang suspek na may dalang patalim.

Kinuwelyuhan agad ng isa sa suspek ang biktima habang nakatutok ang patalim sa kanya kung kaya’t napatakbo pa­palayo sa lugar si Kai at humingi ng tulong.

Nang balikan ni Kai ang biktima, nakita na lamang niyang may saksak ito sa kanang mata at dibdib. 

Lumalabas pa sa imbestigasyon na nawawala na ang gamit ni Iwata tulad ng Rolex wristwatch na may halagang P150,000 gayundin ang gold necklace na may presyong P100,000 at cash na P25,000 at 30,000 Yen. (Angie dela Cruz)

ANGIE

ARANETA AVENUE

HIROSHI IWATA

ISANG HAPONES

JOY MARCELO

MANILA DIAMOND HOTEL

PENNACLE DISTRIBUTORS

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

YUI KAI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with