^

Metro

Ex-Abra Governor Valera nasa Quezon City jail na

-

MANILA, Philippines - Nasa pangangalaga na ng Quezon City Jail (QCJ) si dating Abra Governor Vicente Valera ang pangunahing suspect sa pag­patay kay Abra Congresman Luis Bersamin matapos ang paglilipat sa kustodiya dito mula sa Camp Crame kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat, ganap na alas- 8 ng gabi nang dalhin si Valera sa QC jail buhat sa Camp Crame kung saan una itong pinagdalhan dito. Sinabi ni QC jail Warden Nestor Velasquez, katulad ng ibang bilanggo ay ituturing na isang ordinaryong preso lamang si Valera at isasama ito sa loob ng isang selda na ilang bilang ng inmates ang nakakulong.

Magugunitang sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng QC Regional Trial Court (RTC), nadakip ng mga tauhan ng QCPD Criminal Investigation Unit (CIDU) si Valera sa may condominium nito sa Rockwell, Makati City .

Si Valera ay tatlong taong pinaghahanap ng batas dahil sa 2-counts of murder at frustrated murder na isinampa dito matapos na isangkot sa pagpatay kay Bersamin noong 2006 sa Our Lady of Mount Carmel sa New Manila, Quezon City.

ABRA CONGRESMAN LUIS BERSAMIN

ABRA GOVERNOR VICENTE VALERA

CAMP CRAME

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

MAKATI CITY

NEW MANILA

OUR LADY OF MOUNT CARMEL

QUEZON CITY

QUEZON CITY JAIL

REGIONAL TRIAL COURT

VALERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with