Kelot tinarakan, kritikal

MANILA, Philippines - Agaw-buhay ang isang lalaki matapos na patraydor na saksakin ng hindi pa nakikilalang suspek habang ang una ay nag-aabang ng sasakyan sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa East Avenue Medical Center sanhi ng saksak sa likod si Richard Fuentablanca, 23 ng Laporteza st., Camarin ng lungsod na ito.

Kaagad namang tuma­kas ang hindi pa nakikilalang suspek matapos isagawa ang pananaksak.

Ayon sa report ng pu­lisya, alas-11:30 ng gabi, nag-aabang ng masa­sak­yan jeep ang biktima sa kahabaan ng Almar Road, Camarin nang sumulpot ang suspek at hindi na pina­porma pa si Fuentablanca. 

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa nasabing ospital. (Lordeth Bonilla) 

Show comments