^

Metro

4 criminology student tiklo sa holdap

-

MANILA, Philippines - Apat na criminology student ang inaresto ma­ka­raang ireklamo ng isang nursing student na kani­lang hinoldap at binug­bog, kama­ka­­lawa ng gabi sa Pasay City.

Nakilala ang mga sus­pek na sina Archie Suico, 19; Chito Enriquez, 19; Reggie Car­dones, 21; pawang mga taga-Quezon City at si Silvestre Marinas, 21, ng Pasay City. Na­batid na pawang mga estud­yante ng Philippine College of Criminology ang naturang mga suspek.

Positibo kinilala sila ng biktimang si John Patrick Aquino, residente ng Punta, Sta Ana, Manila na siyang mga gumulpi at nang-agaw sa kanyang bag na pinag­lagyan niya ng cellphone at coin purse na may lamang P70 at mga personal na gamit.

Sa ulat ng Pasay Station Investigation & Detective Management Section, pauwi na si Aquino at kaibi­gang si Jerome Fallaria dakong alas-11:30 kama­kalawa ng gabi mula sa Manila Adven­tist Medical Center kung saan sila nagi-intern bilang nursing student nang ha­rangin umano ng apat na suspect sa may Donada St., ma­lapit na sa kanto ng Gil Puyat Avenue.

Puwersahan umanong kinuha ng mga suspect ang bag ng biktima at nang puma­lag ay pinagtulungan ng bug­bugin. Nakatakbo naman si Fallaria at naka­hingi ng tulong sa mga nagpapa­trul­yang pulis sa pangunguna ni PO3 Jona­than Bayot na nagre­sulta sa pagka­kaaresto ng apat na estudyante mata­pos ang maigsing habulan.

Nakumpiska kina Suico at Marinas ang patalim na gi­namit sa panghoholdap at nabawi rin sa kanila ang bag ni Aquino, pati na ang na­ku­limbat na cell­phone.

Itinanggi naman ng apat na suspek ang bintang na pang­hoholdap sa kanila kung saan sinabi ng mga ito na isang sun­tukan umano ang na­ganap maka­raang mag­kainitan dahil sa bung­guan. (Danilo Garcia)

AQUINO

ARCHIE SUICO

CHITO ENRIQUEZ

DANILO GARCIA

DETECTIVE MANAGEMENT SECTION

DONADA ST.

GIL PUYAT AVENUE

PASAY CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with