Thrill killer sa Tondo, nalambat

MANILA, Philippines - Nalambat ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang sinasabing “thrill killer” na responsable sa sunud-sunod na pama­mas­lang sa tatlo katao, sa mag­ka­­kahiwalay na pagka­ka­taon sa Tondo, Maynila.

Ipinrisinta kahapon kay Manila Mayor Alfredo Lim ni MPD-station 3, chief P/Supt. Ernesto Tendero ang suspek na si Jayson Luma­nao, 23, residente ng Tondo, Maynila.

Nabatid sa rekord na si Lumanao ang suspek sa pagpatay kina Fernan Ariola, 23; Dennis Melgarejo, 27, at isang hindi nakilalang biktima.

Bukod pa rito siya rin ang itinuturong respon­sable sa malubhang pagka­sugat sa isang Jayson Atilano na naganap noong Marso 28 at Abril 4, 2009.

Nabatid na habang nag­sasagawa ng drug operations ang MPD-Special Anti Illegal Drugs sa pamu­muno ni Sr/Insp Nicolas Ybanez sa isang bahay sa Tayuman noong Agosto 29, 2009 ay naka­bilang si Lumanao sa nadakip dahil sa pag-iingat ng dala­wang plastic sachet na nag­lala­man ng shabu

Sa beripikasyon, nadis­kubreng si Lumanao ang suspek sa mga kasong hindi pa nareresolba.

Umamin na­man ang suspek na siya ang namaril at nakapatay sa mga biktima, ngunit sinabi nito na simpleng away lamang ang dahilan kung bakit umano niya ito napatay. (Ludy Bermudo at Doris Franche)

Show comments