^

Metro

Ex-Abra Governor Valera arestado na

- Danilo Garcia, Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Matapos ang halos 3 taong pagtatago, naaresto na ng pamunuan ng pulisya si ex-Abra Governor Vicente Valera sa kanyang tinutu­luyan sa isang condominium sa lung­sod ng Makati kama­kalawa ng gabi.

Ayon sa ulat, si Valera ay inaresto ng tropa ng Task Force Bersamin sa pamu­muno ni Supt. Franklin Moises Ma­banag ng QCPD at Makati Police sa condominium unit ng Unit 3K, Hidalgo Towers sa Rockwell sa lungsod ganap na alas-10:30 ng gabi.

Kasama ni Valera sa natu­rang condo ang kan­yang asawa at isang anak.

Si Valera ay inilagay sa wanted list matapos ang ipinalabas na warrant of arrest ng QC Regional Trial court sa kasong two counts of murder matapos masang­kot sa pag­pa­tay kay Abra Representative Luis Ber­samin noong Disyembre 2006 sa lungsod Quezon.

Si Bersamin ay binaril at napatay noong Disyembre 16, 2006 matapos dumalo sa kasal ng kanyang kaanak sa may Mt. Carmel Church sa QC.

Kasama rin sa napatay sa insidente ang bodyguard ng gobernador na si SPO1 Adelfo Ortega, habang suga­tan naman ang driver nito na si Allan Sawadan, at isang batang 15 taong gulang.

ABRA GOVERNOR VICENTE VALERA

ABRA REPRESENTATIVE LUIS BER

ADELFO ORTEGA

ALLAN SAWADAN

DISYEMBRE

FRANKLIN MOISES MA

HIDALGO TOWERS

KASAMA

MAKATI POLICE

MT. CARMEL CHURCH

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with