Chavit Singson nambugbog ng asawa

MANILA, Philippines - Sinampahan ng kasong physical injury si Deputy National Security Adviser Chavit Singson ng kanyang asawa na si Che Singson sa Quezon City Prosecutors Office.

Bukod dito, humingi din si Che Singson ng protective order mula sa QC court. Sinabi ni Che sa kanyang reklamo na hindi na niya matiis ang ginagawang pa­nanakit ni Chavit sa kanya kayat nagsampa na siya ng kaso sa korte.

Ani Che, sinasaktan siya ng asawa sa tuwing paghi­hinalaan na siya ay may lalaki. Sa isang panayam, inamin naman ni Chavit na sinaktan niya ang asawa nang mahuli niya itong may kalaguyo sa ikalawang pag­kakataon.

Sinabi ni Chavit na noong una umanong madiskubreng may kalaguyo ang asawa ay pinalayas niya ito sa kani­lang bahay at inilipat ng tirahan sa isang apartment pero muli itong gumawa ng kalokohan na humantong sa kanyang pananakit sa asawa.

Sinabi ni Chavit sa isang radio interview na nahuli niya ang misis at kalaguyo sa isang hotel. Ani Chavit, handa niyang harapin ang kasong sinampa sa kanya ng asawa.

Show comments