NLRC Acting Sheriff timbog sa kotong
MANILA, Philippines - Inaresto ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP- CIDG) ang isang tiwaling Acting Sheriff ng National Labor Relations Commission (NLRC) matapos itong ireklamo ng pangingikil ng isang negosyante sa Quezon City.
Kinilala ang suspect na si Ramil Apinado, residente ng Apo St., La Loma ng lungsod na ito.
Ayon sa ulat, inaresto ang suspect sa loob ng Hatrack Off-Track betting station sa kahabaan ng Del Monte Avenue, La Loma, Quezon City dakong alas-8 ng gabi kamakalawa.
Ang suspect ay dinakip ng mga awtoridad base sa reklamo ng biktimang si Marilou Rustia, General Manager ng Sons Inc. Decades.
Sa reklamo ni Rustia, sinabi nito na nangongotong umano ng P100,000 sa kanya si Apinado kapalit ng pag-antala sa implementas yon ng “writ of execution” laban sa kompanya ng negosyante alinsunod sa kautusan na nilagdaan ni NLRC Labor Arbiter Gaudencio Demaisio Jr.
Agad namang ipinag-utos ni National Capital Region -Criminal Investigation and Detection Unit (NCR-CIDU) Regional Chief Sr. Supt. Robert Po ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakabitag sa suspect. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending