^

Metro

Tipster pa ng Abu, tumanggap ng reward

-

MANILA, Philippines - Binigyan kahapon ng P350,000 reward ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Jesus Ver­zosa ang masuwerteng tipster na nagsilbing susi sa pagka­kaaresto sa isa na namang most wanted na Abu Sayyaf terrorist na kabilang sa wanted list ng pamahalaan.

Ayon kay Verzosa, ang na­sabing tipster na itinago ang pangalan at katauhan ay siyang nagturo sa pagkaka­aresto ng Abu Sayyaf terrorist na si Hajer Sailani alyas Marvin Alvarez sa operasyon sa Southseas Mall sa down­town ng Cotabato City noong nakalipas na linggo.

Si Hajer Sailani, alyas Marvin Alvarez ay nasakote sa bisa ng warrant of arrest dahil sa mga kasong kidnap­ping at serious illegal deten­tion sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Danilo Bucoy, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 2 ng Isabela City, Basilan.

Isinasangkot si Sailani sa mass kidnapping ng mga guro, estudyante at pari sa Barangay Sinagkapan, bayan ng Tuburan at Barangay Tumahubong, sa bayan ng Sumisip sa lalawigan ng Ba­silan noong March 20, 2000.

Kasama rin umano ito sa mga bandido na dumukot sa Muslim convert na Amerika­nong si Jeffrey Craig Shilling sa Patikul, Sulu noong August 29, 2000 at Dos Palmas Kid­napping noong May 27, 2001. (Joy Cantos)

ABU SAYYAF

BARANGAY SINAGKAPAN

BARANGAY TUMAHUBONG

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VER

COTABATO CITY

DOS PALMAS KID

HAJER SAILANI

ISABELA CITY

JEFFREY CRAIG SHILLING

MARVIN ALVAREZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with