Na-hit-and-run na, pinagnakawan pa

MANILA, Philippines - Ito ang masaklap na nang­yari sa isang mister matapos salpukin ng isang hindi ma­tukoy na sasakyan habang ang una ay nagkakarga ng kan­yang kalakal sa harap ng isang gasoline station sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa report, ang bik­tima ay nakilala sa pamama­gitan ng dokumentong na­kuha sa kanyang bulsa na si Bene­ dict Parugganan, 43, tin­dero ng gasolina at residente ng San Jose del Monte Bulacan.

Binanggit ng pulisya na marami ang nagkunwaring tumulong ngunit ang naging pakay ay pagnakawan la­mang ito dahil nawawala rin ang gamit nito at pera.

Bukod dito, hindi rin ma­tukoy kung anong sasakyan ang nakabundol sa biktima maliban sa parte ng natapyas na side mirror at windshield kung saan tumama ang ka­tawan nito.

Sa imbestigasyon, lumi­litaw na nangyari ang insi­dente sa may harap ng Flying V gas station malapit sa Wheel­tek motorcycle store sa Quirino Highway, Brgy. Kaliga­yahan, Novaliches pasado ala-1 ng madaling-araw.

Nagbebenta umano ng tingi-tinging gasolina ang bik­tima at habang nagkakarga ito patungo sa kanyang motor­siklo sa nasabing lugar ay sumulpot ang isang sasakyan at binundol ito.

Dead-on-the-spot ang bik­tima sa lugar samanta­lang ang nakabundol na sa­sakyan ay hindi man lamang huminto at sa halip ay huma­rurot pa­palayo sa lugar. (Ricky Tulipat)

Show comments