^

Metro

Bus dispatcher patay sa pasahero

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isang dispatcher makaraang barilin ng isang pasahero na kanyang ginising sa pagkakatulog sa loob ng bus at pinaalis ma­tapos na magtalo sa pagbabayad sa pama­sahe, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Nakilala ang nasawi na si Epifanio Ricarte, 44, dispatcher sa terminal ng Bobis Liner na may mga biyahe patungong Bicol region at residente ng Malibay, Pasay City.

Nagtamo ito ng tama ng bala ng kalibre .45 sa katawan. Bigo naman ang pulisya na ma­dakip ang salarin na kaswal na sumakay lamang ng isang taxi sa kanyang pagtakas.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-4 ng madaling-araw sa loob ng naturang bus terminal sa may EDSA, Malibay, ng naturang lungsod.

Lumalabas sa imbestigasyon na nakatulog umano ang suspek habang naghihintay na mapuno ang sinakyang bus ng Bobis Liner. Umakyat naman ng naturang bus si Ricarte at ginising ang suspek saka sinisingil ng pamasahe nito na higit P400.

Sinabi naman ng suspek na mamaya na sanhi upang pababain ito ng biktima at sabihan na hindi tulugan ang bus at sa motel dapat matulog. Bumaba rin naman si Ricarte at nag­tawag ng mga pasahero kung saan nagbunot ng baril ang suspek at isang beses na pina­putukan ito sa batok.

Malaki naman ang hinala ng pulisya na maaaring holdaper ang suspek na may ma­samang tangka sa naturang bus.

Nanga­ngam­ba naman ngayon ang maraming mga pasa­hero sa seguridad kung saan kinukuwes­tiyon nila kung bakit madaling nakakapagpasok ng baril ang sinuman sa mga bus nang hindi man lamang naiinspeksyon.

BICOL

BIGO

BOBIS LINER

BUMABA

BUS

EPIFANIO RICARTE

MALIBAY

PASAY CITY

RICARTE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with