^

Metro

Van na-hijack

-

MANILA, Philippines - Tinatayang P1 milyong halaga ng mga cellular phones at cash ang iniulat na natangay ng limang armadong kalalakihang nakasuot ng uniporme ng pulis makaraang i-hijack ng mga ito ang isang Isuzu van sa lungsod ng Quezon, kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Ferdi­nand Liwanag, 37, ng Baras Rizal; at Ramiro Cas­quejo Jr., ng Caloocan City; kapwa empleyado ng M2 Mobile Phone Incorporated.

Dakong alas-8:30 ng gabi nang mangyari ang in­sidente sa may Mindoro St., Project 8, Quezon City habang dala ng mga biktima ang isang Isuzu crosswind (MDX-333) na naglalaman ng 500 piraso ng mamahaling cellphone na idedeliber sana sa kanilang amo na si Michael Dollas sa Bago Bantay, Quezon City.

Hinarang sila ng mga suspek, iginapos ang mga bik­tima at kinontrol ang van. Pagsapit sa lungsod ng Caloocan, iniwan ang mga biktima bago tumakas tangay ang assorted cellphones, dalawang plastic bags ng cellphone at cash na umaabot sa P1 milyon ang halaga. (Ricky Tulipat)

BAGO BANTAY

BARAS RIZAL

CALOOCAN CITY

ISUZU

MICHAEL DOLLAS

MINDORO ST.

MOBILE PHONE INCORPORATED

QUEZON CITY

RAMIRO CAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with