4 na parak inireklamo sa kotong

MANILA, Philippines - Apat na pulis ang ipina­tatawag ng Manila Police District-General Assignment Section dahil sa isang reklamo na kino­tongan umano nila ang isang estud­ yante na sinita nila sa isang check­point sa Hermosa St., Tondo, Manila noong madaling-araw ng Agosto 22.

Inaasahang sisi­mulan ngayong araw na ito ng MPD-GAS ang im­besti­gasyon kina SPO1 Nestor Dagami, PO3 Roy Velano, PO1 Reynaldo Olivio Jr. at PO1 Aries Gonzalo na pawang naka­talaga sa Com­munity Police Pre­cinct-Hermosa ng MPD-Station 7.

Sinasabi ng bikti­mang si Jayson Garga­nera ng 1116 P. Burgos St., 10th Ave., Ca­lo­ocan City na naka­motorsiklo siya at ang iba niyang mga kaibi­gan nang ha­rangin at sila ng mga suspek sa naturang checkpoint dahil wala silang suot na helmet.

Kinumpiska umano ng apat na pulis ang P1,800 cash, cellphone at singsing ng biktima bago ito pinaalis. (Ludy Bermudo)

Show comments