Aktres ninakawan ng maid

MANILA, Philippines - Nalimas ang umaabot sa P300,000 halaga ng alahas ng aktres na si Mickey Ferriols makara­ang pagnakawan siya ng hinihinala niyang bagong kasambahay sa Quezon City, ayon sa ulat ka­hapon ng pulisya.

Isinumbong ni Ferriols sa pulisya noong Linggo na nanakawan siya noon pang Agosto 25 pero nitong Sabado lang niya ito natuklasan.

Kinilala ni PO3 Ro­nald Nava ang suspek na si Renaline Brecio, 31 anyos pero umuwi ito sa probinsiya dahil sa pag­kamatay ng tatay nito. Babalik umano ito sa bahay ng aktres sa Setyembre 2.

Sinabi ni Nava na hi­hintayin pa nila kung babalik si Brecio upang makuhanan ng pahayag kaugnay sa insidente.

Ayon kay Ferriols, ang naturang kasam­bahay ay mula sa Ma­ven’s Manpower Ser­vices kung saan kinuha niya para maging kasam­bahay noong Agosto 24 sa kanyang tahanan sa Atlanta St., Montgo­ mery Place sa naturang lungsod.

Nitong Agosto 25, umalis umano si Ferriols kasama ang isa pang kasambahay na si Lenie Asman para ihatid ang anak sa paaralan. Sina­sabing si Brecio lamang ang naiwang mag-isa sa bahay ng actress.

Sinabi ng actress po­sibleng ang pagnanakaw sa nasabi ring petsa dahil kinabukasan ay sinabi­han siya ni Brecio na nais nitong umuwi muna sa Leyte dahil namatay ang tatay nito.

Show comments