Gasolinahan hinoldap

MANILA, Philippines -  Muli na namang sumalakay ang holdaper na “riding in tandem” makaraang looban ang isang gaso­li­nahan kamakalawa ng tanghali sa Caloocan City.

Iniulat ito sa pulisya ni Jenniffer Destajo, 26-anyos, kahera ng Chevron gas station sa may General Luis st., Brgy. Kaybiga, ng naturang lungsod.

Nagpanggap na magpapakarga ng gasolina ang dalawang hindi nakilalang suspek sakay ng isang Honda XRM type motorcycle.

Agad na nilapitan ng angkas ng motor ang kahera na si Destajo at tinutukan ng baril at nagdeklara ng holdap. Umaabot umano sa P74,000 halaga ng kinita ng gaso­ linahan ang natangay ng mga suspek. (Danilo Garcia)

Show comments