^

Metro

2 tirador ng motor nalambat ng pulisya

-

MANILA, Philippines - Nadakip ng pulisya ang dalawang miyembro ng “motorcycle-in-tandem gang” na sinasabing kapwa sangkot sa ilang serye ng carnapping activities sa Marikina City at mga karatig pa nitong lungsod.

Kinilala ni Eastern Police Director P/CSupt. Benjardi Mantele ang mga suspek na sina Noel Leonen at Ricky Sonio na ngayon ay kapwa naha­harap sa mga kasong carnapping at paglabag sa Presidential Decree 1866.

Batay sa ulat, nalambat ng operatiba ang mga suspek pasado alas-9:00 ng gabi kamakalawa sa inilatag na checkpoint ng EPD sa kahabaan ng Marcos Highway ng Marikina City.

Unang napansin ng operatiba ang kahina-hinalang kilos ng mga suspek na noon ay kapwa sakay sa isang motorsiklo na walang kaukulang plaka.

Nang sitahin at kapkapan, nakuha sa pag-iingat ng isa sa mga suspek ang isang .38 kalibre ng baril na kargado ng anim na bala na pinaniniwalaang gina­gamit ng mga ito sa kanilang iligal na aktibidades.

Lumalabas naman sa rekord ng pulisya na ang mga suspek ang itinuturong umano’y responsable sa ilang serye ng carnapping sa lungsod at mga ka­ratig pa nitong lugar. (Rose Tamayo-Tesoro)

BATAY

BENJARDI MANTELE

EASTERN POLICE DIRECTOR P

MARCOS HIGHWAY

MARIKINA CITY

NOEL LEONEN

PRESIDENTIAL DECREE

RICKY SONIO

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with