2 basurero agawan sa basura, 1 patay

MANILA, Philippines - Isa sa dalawang ba­surero ang napatay sa pag-aagawan nila sa napupulot nilang mga basura sa Barangay Payatas B, Quezon City kamakalawa ng hapon.

Nagtamo ng hindi mabilang na tama ng saksak sa buong kata­wan ang biktimang si Jimson Navarro, 31, may-asawa ng Asper st., Barangay Payatas.

Pinaghahanap na­man ng pulisya ang suspek na si Jhun Flores, alyas Banal, na mabilis na tumakas makaraan ang krimen.

Ayon kay PO2 Norlan Margallo, may-hawak ng kaso, nangyari ang insi­dente sa may Masbate St., sa nasabing Baran­gay.

Lumilitaw sa imbes­tigasyon na nag-agawan sina Navarro at Flores sa isang bagay na sabay nilang nakita sa basu­rahan.

Uminit ang pag-aaga­wan nina Navarro at Flores hanggang sa bumunot ng patalim ang suspek at sinaksak sa buong katawan ang bik­tima hanggang masawi ang huli. (Ricky Tulipat)

Show comments