^

Metro

Kakapusan sa water pumps sanhi rin ng baha

-

MANILA, Philippines - Inamin kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority na kulang na kulang sila sa water pumps sa mga pumping station sa Kamaynilaan na siyang dahilan ng pagbabaha sa maraming lungsod.

Sinabi ni MMDA General Manager Robert Nacianceno na hindi lamang ang walang disipli­nang pagtatapon ng basura at pagtatayo ng istrak­tura sa mga daluyan ng tubig ang sanhi ng patuloy na pagkakaroon ng baha kundi kulang din aniya ang mga water pump sa mga pumping stations.

Dahil dito, ipinangako ni Nacianceno na magla­lagay na sila ng karagdagang water pumps sa Libertad Pumping Station na tiyak na makakatulong upang maibsan ang nangyayaring pagbaha sa distrito ng Sampaloc tuwing bubuhos ang malakas na ulan.

Magugunita na ipinagmalaki pa ni MMDA Chairman Bayani Fernando ang nilutas nilang mga pag­baha sa maraming lugar sa kalakhang Maynila nang pasinayahan ang Abucay Pumping Station kung saan naging panauhin pa si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Gayunman, sa kabila ng mga pagsisikap ni Fer­nando na malutas ang mga pagbaha at puspusang panawagan na iwasan ang magtapon ng basura sa lansangan, patuloy pa ring lumulubog sa tubig baha ang maraming lansangan kapag bumubuhos ang malakas na ulan. (Danilo Garcia)

ABUCAY PUMPING STATION

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

DAHIL

DANILO GARCIA

GAYUNMAN

GENERAL MANAGER ROBERT NACIANCENO

LIBERTAD PUMPING STATION

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with