^

Metro

PNP naalarma sa talamak na human trafficking

-

MANILA, Philippines - Naalarma ang Philippine National Police sa talamak na human trafficking kung saan libu-libong kababaihang Pinay at mga menor-de-edad ang nabibiktima ng white slavery sa ibang bansa kada taon. Dahil dito, isinailalim sa 3-araw na human trafficking seminar ang may 50 personnel na nakatalaga sa Women and Children­ Protection Units bilang bahagi ng pa­tuloy na transfor­mation program ng PNP.

Ayon kay PNP Chief Director General Jesus Verzosa ang seminar ay inorganisa ng Women and Children Protection Center (WCPC) sa pakikipagtulungan sa mga Non Government Organizations (NGOs) at internasyonal na mga organisasyon na kumakalinga sa kapakanan ng mga kababaihan at mga bata.

Sinabi naman ni WCPC Chief Supt. Yolanda Tanigue, ang RA 9208 ay nagpa­pairal ng polisiya para mabawasan kung di man tuluyang masupil ang ‘human trafficking’, parti­kular na ng mga kababaihan at mga bata upang mabigyang proteksyon ang dignidad ng mga ito laban sa mga banta ng karahasan at eksploy­tasyon. (Joy Cantos)

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

CHIEF SUPT

JOY CANTOS

NON GOVERNMENT ORGANIZATIONS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PROTECTION UNITS

WOMEN AND CHILDREN

WOMEN AND CHILDREN PROTECTION CENTER

YOLANDA TANIGUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with