Baker tinodas ng kapwa baker

MANILA, Philippines - Isang 23-anyos na baker ang napatay nang   saksakin ng kanyang ka­samahan ma­tapos na mag­kapasuan ha­bang naglu­luto ng tinapay, kahapon ng madaling-araw sa Panda­can, Maynila.

Namatay sa lugar ng in­sidente sanhi ng mga sak­sak sa dibdib ang bikti­mang si Aldin Gabin, stay-in baker sa Sea-Zoe bakery­ na nasa #2099 Me­nandro St., Pan­dacan, sa­man­talang kaagad na­mang naaresto ng mga nag­respon­deng barangay tanod ang suspek na si Ridimer Alulod, 23, at stay-in baker din sa naturang bakery.

Sa inisyal na report ng pulisya, dakong alas-2 ng madaling-araw nang ma­ganap ang insidente sa 4th floor ng nasabing bakery.

Inamin ng suspek na si­­naksak niya ang biktima nang magdilim umano ang paningin niya matapos siyang murahin   nito bukod pa sa matagal na silang may alitan.

Nagalit umano ang bik­tima sa suspek nang ma­paso ang kamay nito sa man­tika na na­hawakan niya na inilapag ni Alulod habang nagluluto siya ng tinapay.

Bukod dito palagi rin uma­nong pinapagalitan ng biktima ang suspek kahit sa konting pagkakamali lamang nito. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments