^

Metro

Estudyante off-limits sa bar, resto sa Intramuros

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Mahigpit na ipinag­bawal ni Manila Mayor Alfredo S. Lim sa lahat ng mga bar at drinking establishments owner sa Intra­muros ang pag­tanggap sa mga estud­yante.

Ayon kay Lim, inatasan niya sina Department of Pub­lic Services (DPS) chief Ret. Col. Carlos Bal­ta­zar na imbestigahan at su­yurin ang Intramuros area upang malaman kung ilang drinking establishments ang nagse-serve ng beer at ibang naka­la­lasing na inumin sa mga estud­yante, parti­kular na mula sa mga pa­aralan na malapit dito.

Sinabi ni Lim na kaila­ngan namang isumite ni Baltazar ang kanyang report kay Bureau of Permits director Nelson Alivio upang malaman kung ang mga ito ay may sapat na permit mula sa City Hall.

Binigyan diin ni Lim na ang kanyang kautusan ay bunsod na rin ng reklamo na kanilang natatanggap na maraming mga bar at restaurant sa Intramuros ang pinapayagan ang mga high school at college student na mag-order­ ng beer at mga nakaka­lasing na alak.

Ipinaliwanag pa ng al­kalde na mahigpit na ipi­nag­babawal ng city go­vern­­ment sa mga establi­si­mento ang pagtitinda ng alak na malapit sa mga paaralan at unibersidad.

vuukle comment

BUREAU OF PERMITS

CARLOS BAL

CITY HALL

DEPARTMENT OF PUB

INTRAMUROS

MANILA MAYOR ALFREDO S

NELSON ALIVIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with