^

Metro

Army reservist nagtayo ng sariling military camp, timbog

-

MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga ahente ng National Bureau of Inves­ti­gation (NBI) ang bahay ng isang Army reservist na na­bunyag na nagtayo ng sariling military camp at nag-recruit ng mga pekeng sundalo sa Imus Cavite, sa ulat kahapon.

Iprinisinta sa media ni NBI Director Nestor Mantaring ang suspek na si Zioanis Abran­tes, 31, ng Block 18, Lot 13, Green Gate Homes, Brgy. Malagasang, Imus, Cavite.

Ayon sa ulat, ang suspek ay nagpapakilalang aktibong miyembro ng AFP at nakata­laga sa ISAFP. Ipinakikita umano nito sa madalas na suot na military uniform na siya ay may ranggong 2nd Lt.

May ulat din na ang grupo nito ay madalas na gumagala sa Metro Manila na pawang naka-uniporme.

Natukoy na noong isang taon nagsimula ang recruit­ment ni Abrantes, nagsagawa ng military training sa mga recruit, nag-iisyu ng pekeng mis­sion at special orders, identification cards (ID) ng AFP at ISAFP.

Nasa walong buwan na umano ang training ng may 39 na ni-recruit ni Abrantes nang mabuko matapos maaresto ang isang kasapi na si Vene­rado Alterado. Siya ay dinakip ng Pasay Police at nakuha sa kaniyang pang-iingat ang isang military ID. Nang beri­pikahin ay natuklasang peke.

Naging ugat din ang pag­kakadakip kay Alterado sa pagsalakay kay Abrantes ng NBI na natuklasan ding hindi konektado sa ISAFP, base sa certification na ibinigay sa NBI ng Military Intelligence Group 16, ISAFP Camp Crame sa Quezon City.

Nag-isyu rin ang PNP Fire­arms and Explosive Division, Camp Crame QC na awtori­sadong magdala ng baril ang suspek. Nakumpiska sa bahay ni Abrantes ang mga baril, mga bala, rifle grenade, military uniforms at ID.

Umamin na si Abrantes, na isa siyang under graduate ng Architecture sa Technological University of the Philippines (TUP) at computer pro­grammer. Patung-patong na kaso ang nakatakdang iharap sa suspek. (Ludy Bermudo)

ABRANTES

ALTERADO

CAMP CRAME

DIRECTOR NESTOR MANTARING

EXPLOSIVE DIVISION

GREEN GATE HOMES

IMUS CAVITE

LUDY BERMUDO

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with