Modelong nakapatay sa doktor, huli ng NBI

MANILA, Philippines - Isang lalaking modelo na nakapatay sa isang 82-anyos na doktor sa isang aksidente sa motorsiklo sa Tondo, Maynila ang nada­kip ng mga ahente ng Na­tional Bureau of Investiga­tion sa Baclaran, Para­ña­que. Kinilala ang suspek na si Christian Masibac Flogio, 22, modelo ng White Bird KTV bar, sa Bac­ laran, Parañaque City at residente ng Caloocan City.

Dinakip ang suspek sa bisa ng arrest warrant ka­ugnay sa kasong reckless imprudence resulting in homicide na inisyu ni Judge Hipolito-Bunagan. Sa re­kord, lumalabas na si Flogio ang nakabangga gamit ang minamanehong motorsiklo sa matandang doktor na si Ricardo Ar­cangel, na iki­nasawi nito noong Mayo 2008. Nata­ka­san ni Flogio ang mga barangay opisyal habang nag-iimbestiga sa nasa­bing aksidente hang­gang sa matunton na siya kama­kalawa ng gabi. (Ludy Bermudo)

Show comments