Paslit todas sa van

MANILA, Philippines - Patay ang isang 2-anyos na batang lalake matapos na mabundol ng rumaragasang sasakyan habang ang una ay nag­lalaro sa kalsada kasama ang iba pang bata sa lungsod ng Quezon, iniulat kahapon.

Ayon kay Ronald Tan, traffic enforcers ng Sta­tion 6 ng Quezon City Po­lice, kapabayaan umano ng magulang ang dahilan upang mabundol ang batang si Lance Ezekiel Aquino, residente ng Na­wasa Road, Brgy. Pa­song Tamo sa lungsod.

“May kasalanan din kasi ang nanay ng bata, kasi iniwan niya ang kan­yang anak sa kalsada, gayon alam niya na ma­raming sasakyan dito,” sabi pa ni Tan.

Lumilitaw na nangyari ang insidente sa may Ma­payapa Road, Brgy. Pasong Tamo sa lungsod pasado alas-11:30 ng umaga.

Sinasabing naglalaro sa naturang lugar ang bik­tima kasama ang dalawa pang bata nang biglang sumulpot ang isang Ford Everest Wagon (ZKW-390) na minamaneho ni Thomas Lazatin Jr., 32 ng Block 14, Lot 3, Rolling Mea­dows, Phase 1, San Bar­to­lome sa lungsod at bundulin ito.

Sa lakas ng impact tu­milapon ng ilang metrong layo ang biktima, at na­gawa pang maisugod ito sa New Era Hospital hang­gang sa ilipat sa East Avenue Medical Center kung saan ito na­la­gutan ng hininga. (Ricky Tulipat)

Show comments