^

Metro

Mister ni Ruby Rose 'di pa lusot - DOJ

-

MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ng Department of Justice na hindi pa rin lusot sa kasong murder ang asawa ni Ruby Rose Barra­meda-Jimenez na si Manuel Jimenez III kahit hindi ito napasama sa mga kinasuhan sa korte.

Sinabi ni DOJ Secretary Agnes Deva­nadera sa isang panayam sa radyo na posible pa ring mapasama sa listahan ng mga akusado si Manuel III kapag may bagong ebidensya laban dito.

“Ngayon, hindi ibig sabihin na dahil hindi sila kasama sa isinampa ng ating mga prosecutor, di ibig sabihin diyan e libre na sila. Any time ang ating pro­se­cutor makakalap ng additional evidence, ito pwede muli buksan ang demanda at maamyenda,” sabi ni Devanadera.

Sinabi pa ni Devanadera na, sa ngayon, walang ebidensya laban kay Manuel III para isangkot ito sa pagkaka­paslang kay Ruby Rose na kapatid ng aktres na si Rochelle Barrameda.   

Isinampa ng DOJ noong Lunes sa Navotas Regional Trial Court ang kasong murder laban sa biyenan ni Ruby Rose na si Manuel Jimenez Jr., kapatid nitong si Lope Jimenez, at mga kasabwat na sina Manuel Montero, Eric Fernandez, Lennard Descalso at Robert Ponce.

Inaasahang magiging testigo ng pamahalaan si Montero na siyang nag­bunyag sa mga awtoridad sa pagkaka­paslang kay Ruby Rose.

Bukod kay Manuel III, hindi rin isinama sa kaso ang isa pang suspek na si Rudy dela Cruz dahil sa kakula­ngan din ng ebidensya laban dito.

Ang fishing magnate na si Lope Jimenez ang may-ari ng Buena Suerte Jimenez Fishing and Trading Co. na may tanggapan sa Navotas at lugar na sinasabing pinaslang si Ruby Rose bago isinimento sa drum at inihulog sa Manila Bay.

Mariing pinabulaanan ng mga Jime­nez ang akusasyon laban sa kanila.

vuukle comment

BUENA SUERTE JIMENEZ FISHING AND TRADING CO

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEVANADERA

ERIC FERNANDEZ

LENNARD DESCALSO

LOPE JIMENEZ

MANUEL

RUBY ROSE

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with