MANILA, Philippines - Dinismis ng Quezon City Prosecutors Office ang kasong libel na isinampa ng aktres na si Katrina Halili o Ma. Katrina Iren Halili sa tunay na buhay laban sa nanay ni Dr. Hayden Kho na si Mrs. Irene Kho.
Ito ay kaugnay sa dalawang kaso ng libel na naisampa ni Halili laban kay Mrs Kho noong Mayo 29, 2009 kaugnay ng umano’y isang TV interview na sinasabi ni Mrs. Kho na si Katrina ang nagturo sa anak para guma mit ng drugs.
Ang hakbang ay ginawa ni Halili makaraan ang kontrobersyal na pagkalat ng sex video niya at ni Hayden.
Sa 5-pahinang desisyon ni Asst. City Prosecutor Rafael Villordon, wala siyang nakitang basehan para idiin sa kasong libel si Mrs. Kho.
“This Office has reason to believe that respondent was able to rebut the presumption of malice under the law,” pahayag ni Villordon.
“The statements of Irene in her interviews were evidently made with good motives and for a justifiable cause as they arose from the natural obligation of a mother to defend her son,” pahayag pa ni Villordon.
Sa kanyang reklamo, sinabi ni Halili na nasira na ang kanyang pagkatao sa sex scandal at nadagdagan pa nang maghayag ng negatibong salita laban sa kanya si Mrs Kho.