People's Initiative vs oil depot sa Maynila, umalagwa
MANILA, Philippines - Isinumite ng kilusang-organisasyong “Manileno Kontra Abuso” (MKA) ang petisyong Peoples Initiative Against Ordinance 8187 sa Commisson on Election (Comelec) kamakalawa.
Layunin ng petisyon na ipawalang-bisa ang kontrobersiyal na Ordinansa 8187 na nagpapanatili sa mga oil depot sa Pan dacan dahil sa panganib na dulot nito sa mga Manileno. May 1,500 katao ang lumahok sa martsa sa pagsusumite ng petisyon.
Ayon kay Tony Santos ng Samahan ng Magkakapitbahay sa Timog Balagtas (SMTB) na ang diretsong pagsusumite nila ng petisyon sa Comelec ay dahil sa kawalang aksyon ng Konseho ng Maynila sa kanilang karaingan.
Hindi umano nagbigay ng konsiderasyon ang konseho bagamat may sapat na bilang ang mga pirma. Hindi ito inilagay sa agenda at hindi rin seryosong tinalakay. Ipinaliwanag naman ni Danny Isiderio ng TABAK-TF na ang mga petitioners ay lehitimong taga-Maynila ay may legal na basehan sa kanilang petisyon na binalewala naman ng Konseho.
- Latest
- Trending