MANILA, Philippines - Itutuloy ng National Bureau of Investigation ang paghahain ng patung-patong na kasong kriminal laban sa cosmetic surgeon na si Dr. Vicki Belo.
Ayon kay NBI-Office of the Deputy Director for Intelligence Services head Agent Ross Bautista, lumakas pa ang mga ebidensiya sa kasong reckless imprudence resulting to serious physical injuries laban kay Belo na inihain ng negosyanteng si Josefina Norcio nang lumabas na ang resulta ng crime laboratory mula sa nana at mga sugat ni Norcio dahil sa hydrogel implant sa puwet nito.
Binalaan na rin ng NBI si Belo na ‘final subpoena’ na ang ipinadala para sa imbestigasyon sa Set yembre 3 at kung di sisipot ay ididiretso na nila ang pagsasampa ng mga kasong reckless imprudence resulting to serious physical injuries at estafa dahil sa paglalabas ng advertisements ng hydrogel na hindi umano totoo ang impormasyon.
Nabatid na dumaranas ng paghihirap si Norcio dahil sa hydrogel na isang foreign substance na naka-impeksiyon at halos ikamatay niya. (Ludy Bermudo)