Pulitiko, media protektor ng mga Jimenez, ibubunyag

MANILA, Philippines - Kinondena ng pamilya ni Ruby Rose Barrameda, ang biktimang natagpuang sene­mento sa drum, ang protek­siyon umanong ibinibigay ng ilang mamamahayag at puli­tiko sa mga akusadong Jimenez.

Sa pagbubunyag kahapon ni National Press Club President Benny Antiporda papa­nga­lanan niya sa tamang panahon ang mga pulitiko at mama­mahayag na may pag­kiling umano sa pamilya Jimenez, na nakakasira sa imahe ng bik­timang si Ruby, na wala nang kakayahang ide­pensa ang sarili.

Dumalo sa press con­ference na ito si dating beauty queen at actress na si Ro­ chelle Barrameda at abogado nitong si Atty. Ana Luz Cristal.

Nagpasalamat naman si Rochelle sa pinakahuling de­velopment­ ng kaso na tuluyan nang isinampa sa Ma­labon RTC. Gayunman, ikina­lungkot ng pamilya Barra­meda ang pagkaka-abswelto sa mister ni Ruby na si Manuel Jimenez III kaya plano mag­hain ng motion for reconsideration upang ma­isama sa kakasu­han si Manuel.

Matatandaan na sinam­pahan na ng DOJ ng kasong murder sina Manuel Jimenez II, kapatid nitong si Lope, Eric Fernandez Spike Discalzo, Robert Ponce alyas “Obet” at Manuel Montero, kamaka­lawa sa rekomendasyon ng panel na humawak sa preliminary investigation ng walang inireko­mendang piyansa.

Nakatakda rin umanong mag­hain ang pamilya Barra­meda ng petisyon sa korte hinggil sa kustodiya ng mga anak na naiwan ni Ruby sa kalinga ng ama nilang si Ma­nuel Jimenez III. (Ludy Ber­mudo at Gemma Amargo-Garcia)


Show comments